Midnight Thoughts : Malayang Pagpapahayag ng Saloobin

Hanggang saan nga ba ang limitasyon ng pagpapahayag ng ating mga saloobin hinggil sa ating pamahalaan? May limitasyon nga ba dapat? Ito ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan.

Habang nanunuod ako ng balita ay nakita ko ang balita patungkol sa isang batang aktibistang nagpahayag di umano ng kanyang saloobin sa isang talumpati ng ating pangulo sa Bicol kung saan ang batang aktibista ay dinampot ng kapulisan dahil sa kanyang pangaabala sa nasabing talumpati upang maipabatid di umano ang kanyang saloobin.
Kung ating susuriing mabuti ay may punto ang bata bakit nga naman siya huhulihin gayong nagpapahayag lamang siya ng kanyang damdamin na para sa kanya ay ang kanyang katotohanan. Ipinapahayag lamang niya di umano ang totoo subalit sa aking pananaw ay tila nawala sa kamalayan ng batang aktibista na bagamat may karapatan siya sa kanyang pagpapahayag ay gayun din ang ating pangulo na tinanggalan nya ng mga panahong iyon ng karapatang magpahayag sa kanyang mga mamamayan dahil sa kanyang lantarang pagpoprotesta ng kanyang saloobin. Wala akong pinapanigan sa dalawa sinusubukan ko lang unawain ang bawat panig.

Sa bawat usapin ay may dalawang panig bago husgahan ang isa ay marapat lamang na suriin ng masinsinan ang dalawa.

You May Also Like

0 Comments