Masarap ba: Julie's Ube Cheese Pandesal


💜 Dahil usong uso ito lately, kailangan ma-try din natin ito mga beshies! So tinikman ko nga itong bagong kinalolokohan ng madlang people, ang Ube-Cheese Pandesal. Sakto kasi meron nito sa Julie's sa Trinoma nung napadaan ako last week. So masarap nga ba itong Ube-Cheese Pandesal na ito?

💜 Masarap sya. Ang nagustuhan ko dito, hindi lang sya basta kinulayan na pandesal, meron sya talagang masarap na ube and cheese filling sa loob. Malinamnam at super lambot yung tinapay. Medyo na shookt lang ako sa presyo na 20 pesos kada pandesal na to, kasi di ba sanay tayo sa 5 pesos na padesal tapos ito 20 pesos hahaha. Pero sulit naman na din yung 20 nyo dito kasi masarap sya talaga. Bagay sya sa gatas o sa kape.

💜 Bibili ba ako ulit nito? Bibili ulit. Kahit medyo mahal, pero dahil masarap naman, keri na din ang presyo. 😉


Rating: 💜💜💜💜💜/5


✨ Let's connect
IG: @heystreetsmart
Facebook: @heystreetsmart
YouTube: HeyStreetSmart
Blog: heystreetsmart.blogspot.com

📩 For collabs send us a DM or email
➡️ heystreetsmart@gmail.com


You May Also Like

0 Comments